Ano ang Sambong?
Ang Sambong (Blumea balsamifera) ay isang kilalang halaman sa Pilipinas na may makapal na berdeng dahon at may kakaibang amoy na mala-balsamo.
Karaniwan itong ginagamit bilang herbal medicine dahil sa taglay nitong mga natural na sangkap na nagbibigay ginhawa sa katawan.
Ang mga benepisyo nito ay sinuportahan pa ng mga pag-aaral sa medisina! Ang Department of Health (DOH) mismo ay kinikilala ang sambong bilang isang approved herbal medicine.
Ano ang Kaya ng Sambong sa Iyong Kalusugan?
1. Ubo, Sipon, at Lagnat
Ang ubo at sipon ay madalas nating maranasan, lalo na kapag pabago-bago ang panahon.
Ang sambong ay mayroong natural na expectorant, ibig sabihin, tinutulungan nitong palabasin ang plema mula sa iyong baga, kaya mas madaling makahinga.
Bukod pa rito, mayroon din itong antipyretic properties, na tumutulong sa pagpapababa ng lagnat.
2. Urinary Tract Infection (UTI) Hirap sa Pag-ihi
Kung hirap ka sa pag-ihi o may UTI, kilala ang sambong bilang isang natural diuretic o pampaihi.
Tumutulong itong dumami ang produksyon ng ihi, kaya nalilinis ang urinary tract at napapabilis ang paggaling mula sa UTI.
3. Panlaban sa mga Kidney Stones
Isa sa pinakakilalang benepisyo ng sambong ay ang kakayahan nitong tunawin ang mga kidney stones.
Ang mga maliliit na bato sa kidney ay maaaring unti-unting mapababa o maiwasan ang paglaki sa tulong ng regular na pag-inom ng sambong tea.
Kaya kung may problema ka sa bato, maaaring isama ito sa iyong pang-araw-araw na routine!
4. Pampawala ng Sakit ng Katawan
Kung ikaw ay may muscle pain o pananakit ng kasu-kasuan dahil sa trabaho o stress, makakatulong ang sambong dahil mayroon itong analgesic properties.
Ibig sabihin, gumagana ito bilang natural na pain reliever. Mas safe ito kaysa sa mga synthetic na painkillers, kaya mainam gamitin bilang pangmatagalang solusyon.
5. Pang-lunas sa Hika at Iba pang Respiratory Problems
Ang sambong ay hindi lang para sa simpleng sipon at ubo.
Para sa mga taong may hika o chronic respiratory problems, ang sambong ay nakakatulong sa pag-relax ng mga daanan ng hangin.
Dahil dito, mas maluwag ang paghinga at nababawasan ang sintomas ng hika.
6. Nakakatulong sa GERD o Acid Reflux
Ang sambong ay nakakatulong sa GERD o acid reflux dahil mayroon itong anti-inflammatory properties na nagpapababa ng pamamaga sa esophagus,
nagpapaluwag ng daanan ng hangin para sa relief mula sa heartburn, may diuretic effect na tumutulong sa pag-flush ng toxins,
at sumusuporta sa digestive health para sa mas maayos na tiyan. Mahalagang gamitin ito kasabay ng tamang diet at lifestyle changes.
Paano Gamitin ang Sambong?
Maraming paraan upang magamit ang sambong depende sa iyong pangangailangan:
1. Tsaa ng Sambong (Sambong Tea)
Ito ang pinakasimple at pinakamabisang paraan upang magamit ang sambong.
Magpakulo ng ilang piraso ng dahon ng sambong (pwede ring tuyo o sariwa) sa tubig sa loob ng 10-15 minuto.
Inumin ito tulad ng regular na tsaa, dalawang beses sa isang araw para sa mga may ubo, sipon, UTI, o para maiwasan ang kidney stones.
2. Pampaligo o Panlabas na Aplikasyon
Para sa mga may lagnat o sakit sa katawan, maaaring gamitin ang pinakuluang dahon bilang pampaligo o panghaplos sa apektadong parte ng katawan.
Nakakatulong ito upang pababain ang lagnat at magbigay ng ginhawa sa sakit ng kalamnan.
3. Inhaler para sa Hika
Sa mga may hika o respiratory problems, maaari ring gamitin ang singaw mula sa pinakuluang dahon ng sambong bilang inhaler.
Singhutin ang usok mula sa pinakuluang dahon upang lumuwag ang paghinga.
Conclusion:
Ang Sambong ay hindi lamang simpleng halaman;
ito ay isang subok at natural na solusyon para sa mga karaniwang sakit tulad ng ubo, sipon, UTI, at kidney stones. Mura, ligtas, at madaling gamitin.
Kung nagustuhan mo ang blog na ito, huwag mong kalimutang, mag-like, mag-comment, mag-share para makatulong po tayo sa iba..
Muli, maraming salamat sa panonood! kita-kits ulit sa next blog!